Dennis at Jennylyn, tuloy ang pagtulong sa frontliners

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PATULOY ang pagtulong ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mga frontliner. Kamakailan nga, namahagi sila ng kahun-kahong face mask, face shield, at sanitation supplies gaya ng alcohol at hand soap sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.

dennis at jennylyn

Sa Facebook post ng Descendants of the Sun actress, nag-iwan siya ng sulat kasama ang ipinadalang package boxes para sa medical frontliners ng nasabing public hospital.

Sabi sa sulat ni Jennylyn: “Thank you so much for all the work you’ve been doing. Words can’t express how thankful we all are for you. Without you, this war against COVID would have been over. We would have been defeated. You gave us a fighting chance. You saved so many lives. You are so tired and yet you continue.”

Samantala, matapos ang taping ni Jennylyn para sa DOTSPH, susunod naman siyang bibida kasama si Dennis sa newest offering ng GMA-7, ang drama anthology na I Can See You: Truly, Madly, Deadly kung saan, makakasama ng dalawa ang Love of My Life actress na si Rhian Ramos.

Malapit nang mapanood ang “I Can See You” sa GMA Telebabad.

Nitz Miralles at Nora V. Calderon