Camille Prats, may tips sa mga parents

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGBAHAGI si Camille Prats ng parenting tips sa mga nanay na sumusubaybay sa kanilang morning show ni Iya Villania sa GMA-7, ang Mars Pa More habang naka-quarantine tayo ngayon sa ating mga bahay. Ito’y kung paano niya hina-handle ang mood swings ng mga anak nila ng husband na si VJ Quiambao, ang two-year old na si Nala at ang baby nilang si Nolan.

camille

Napansin daw nilang mag-asawa na nagiging iritable ang kanilang mga anak dahil sa ilang buwan na nga silang namamalagi sa bahay.

“Napansin namin na kapag lagi lang silang nasa loob ng bahay, parang yung mood nila iba. Mabilis mainis, mabilis umiyak, na hindi naman sila typically na ganun. Parang tayo ring matatanda, na naiinip at kung anu-ano na,” nangingiting wika ni Camille. “Kaya kapag napapansin na naming ganoon ang mga bata, minsan umiikot kaming sakay ng kotse lang doon sa subdivision namin, para lamang may nakikita silang iba bukod sa four corners of our house. Pagkatapos noon, uuwi na rin kami, hindi kami lumalabas ng subdivision. Madali namang matuwa ang mga bata sa ganoon kahit namamasyal lamang sila.”

Patuloy ang “Mars Pa More” nina Camille at Iya everyday sa GMA-7 na ngayon ay mga fresh episodes na ang napapanood at nagsimula na rin si Camille sa bago niyang morning show na Makulay ang Buhay last Sepember 15, 9:30 am at mapapanood tuwing Martes at may replay naman tuwing Sabado, at 9:45 am.

-NORA V. CALDERON