686 COVID-19 cases bawat araw sa reduced physical distancing

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ang reduced physical distancing sa pampublikong transportasyon ay maaaring humantong sa 686 na karagdagang mga kaso ng sakit na coronavirus (COVID-19) sa araw-araw, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ito ang binigyang-diin ni DOH Secretary Francisco Duque III habang binanggit niya ang isang pag-aaral mula sa Asian Institute of Management (AIM) at Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), sa pulong kasama si Pangulong Duterte noong Lunes ng gabi, Setyembre 14.

“Sinasabi nila kung babawasan from one meter to 0.75, and at a 50 percent ridership, in other words, ang pasasakayin singkuwenta porsyento ng population ‘no dito sa NCR — new cases everyday will reach 686 per day,” sinabi ni Duque. “So if you multiply that by 30 days, you will have about 20,580 cases, ito po per day po ‘yan,” dahdag niya.

Sinabi ng Health na ipapakita niya ang pag-aaral ng AIM at HPAAC sa pulong ng Interagency Task Force na nakatuon sa tugon sa COVID-19. Ang pagpapaluwag sa physical distancing sa pampublikong transportasyon ay hindi maipapayo sa ngayon sa gitna ng mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na iniulat araw-araw, sinabi ng isang miyembro ng HPAAC noong Martes, Setyembre 15.

“Currently, because we still have a high number of cases being reported that the new recommendations for physical distancing might not be well-advise and perhaps we should wait until we have less cases so that any impact we observed, particularly if it leads to an increase in the number of cases, will not lead to increased healthcare utilization— because it is currently quite stretched already,” sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim, HPAAC member, sa panayam ng ANC. Sinabi ni Ong-Lim ba mayroong “need to provide better, safer, more public transportation because otherwise it would be very difficult to open up the economy.”

“I think the thing that we just need to focus on is the practicality of the suggestion. It is very difficult for people to estimate what 0.75 or 0.5 or 0.3 means. Secondly, may be consider other options such as providing more vehicles or maybe talk about staggering the work hours, or other interventions rather than contravening something that is already a standard locally,” aniya.

-Analou De Vera