Willie maaga ang pamasko

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

LALONG tumaas ang viewers ni Kapuso TV host na si Willie Revillame at ng kanyang daily afternoon show na “Tutok to Win” sa Wowowin, sa GMA-7. Ini-launch na nga ni Willie ang maaga niyang pamasko para sa mga viewers, ang bago niyang palaro sa show na “Spin A Will.”

Ipinaliwanag ni Willie na ang mapalad na matatawagan niya para sa bagong laro ay mananalo agad ng P 10,000. Kapag tama naman ang sagot sa tanong ni Willie, magkakaroon ang viewer ng pagkakataong paikutin ang roleta.

Makikita sa roleta ang mga big time na papremyo. Maaaring manalo ng Php 10,000, Php 20,000, Php 30,000, Php 50,000, Php 100,000, Wil Kart, Kitchen Showcase, Living Room Showcase at Electronics Showcase.

Napapanood ang Wowowin mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts ng programa mula 5:00 to 6:30 pm.

-NORA V. CALDERON