Kim Molina at Kat Valerde, sa isang ultimate online concert

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HALOS lahat ng showbiz events ngayon ay napapanood online. Isa na dito ang K2K mula Viva Entertainment. Sa unang pagkakataon ay pinagsama sina Kim Molina at Katrina Velarde in a concert na sinulat ni Chad Kinis.

kim at kat

Nakilala si Kim sa role bilang Aileen ng stage musical Rak of Aegis. Savanah ng Kadenang Ginto at bilang Elsa ng Jowable. A big movie ng Viva Films.

YouTube sensation naman si Katrina na nag-viral ang pag-impersonate niya ng mga sikat na foreign singers hawak ang suklay as her microphone. Taong 2012 ng mag-audition siya sa The X Factor Ph at naging bahagi ng all-female singing group known as AKA. Ang major concert ni Kat titled “SiKat Ako” na ginanap sa New Frontier ay isang ganap na tagumpay.

Ang K2K ay libreng mapapanood on Sept. 26 at 8pm via Viva Entertainment FB Page. Sept 27 (Sunday) 8pm Via Records YouTube Channel at Viva TV channel 42 sa CIGNAL.

Special guest si K Brosas sa ultimate online concert na punong-puno ng kantahan, kulitan at katatawanan.

-REMY UMEREZ