IIEE first Chess Olympiad Online

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ILALARGA ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. (IIEE) ang pagdaraos ng first online chess tournament na tinampukang ‘N1 IIEE Chess Olympiad 2020’ mula Setyembre 11 hanggang Oktubre 30 sa isang LiChess Team Battle at masisilayan sa resulta sachess-results.com.

Tampok ang 20 teams mula sa Pilipinas at anim mula sa Middle East Asia.

Ang usual event na IIEE Basketball ay na postponed dahil sa coronavirus at dahil sa effort ni Chess Tournament director Norberto De Jesus, 2019 IIEE Bulacan Chapter President, NFCP/Fide Arbiter Richard Dela Cruz at overseer Allan Alvarez ay isasagawa ang first ever chess tournament ng IIEE National.

Kagapay din ang IIEE National na kinabibilangan nina Lyndon Bague, Roland Vasquez, Feliciano Padua, Alberto Herrera at Joseph Solicar. Bahagi din sila sa appeal board kasama sina Team Captains Siegmund Sanchez, Eric Frigillana at Karlycris Clarito. Ang event ay hosted ang IIEE Central Laguna sa gabay ni Chapter President Ricky Pairat na maglalaru sa event kasama 4 pang IIEE Chapter Presidents (Siegmund Sanchez of Catanduanes, Velmor Villena of East Region Central Saudi Arabia, Joel Conde of Palawan, Jalssen Dumancas of Negros Occidental).

Ipapatupad ang time control sa lahat ng games na 15 minutes plus one-second i n c r eme n t . G a g a n a p i n simultaneously tuwing Friday, 8pm mula September 11, 2020. Bago ang awarding ceremony sa October 30, 2020, may special 5-round swiss tournament, 5+1, na lalaruin ng IIEE lady chess players.