GAB monitoring group, puspusan ang pagbabantay

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

REGULAR na binibisita ng Games and Amusements Board (GAB) ang lahat ng training venue, boxing gym, combat sports facility at private gym mula nang payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Diseases ang hinay-hinay na pagbabalik ensayo ng professional sports batay sa rekomendasyon ng Joint Administrative Order (JAO).

PERSONAL na pinangangasiwaan ni Chairman Baham Mitra (gitna) ang GAB monitoring group para masiguro na sumusunod ang lahat sa ‘safety protocol’.

PERSONAL na pinangangasiwaan ni Chairman Baham Mitra (gitna) ang GAB monitoring group para masiguro na sumusunod ang lahat sa ‘safety
protocol’.

Mula nang paluwagin ang community quarantine sa Metro Manila at karatig na lalawigan sa Luzon, personal na pinangunahan ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang inspeksyon sa pasilidad upang masuri kung nasusunod na tagubilin ng IATF sa health protocol at social distancing.

“We have visited the different boxing gyms randomly to remind them of the safety protocols. Next visit we will be checking their compliance already. We want to assist all in the boxing restart. It’s better to be safe than sorry,” pahayag ni Mitra.

“It is also an opportunity to dialogue with them to find out how we can be of assistance and to check their general situation,” dagdag ng dating Palawan Governor at Congressman.

Nitong Sabado, binisita at nakipag-usap si Mitra sa mga promoters, officials at boxers na bahagi ng Olivetti boxing stable sa Biñan, Laguna.

“Natutuwa kami na malaman na kahit kating-kati na ang ating mga fighters na sumabak sa sparring, hindi nila ginagawa. Pakondisyon lang muna talaga ng katawan. Kami naman sa GAB kung anong maibibigay naming assistance ipagkakaloob naming para maibsan naman yung hirap ng kanilang kabuhayan,” sambit ni Mitra.

Sa nakalipas na anim na buwan, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa tanggapan ni Senator Bong Go, naisagawa ng GAB ang pamamahagi ng relief goods at tulong pinansiyal sa sector ng pro sports sa ilalim ng ‘social amelioration’.

“Galing din kami Philippine Football League league practice sa Cavite and last Thursday we also conducted gym inspection sa sa Tiger City Boxing Gym at Elorde Reyes gym sa Mandaluyong City, Elorde gym sa Gilmore, Quezon City; MP Highland boxing gym sa Sampaloc, Manila; at Alliance Boxing gym sa Pasay City.

“So far, so good. Basta sumunod lang tayo sa tagubilin at panuntunan ng pamahalaan, wala tayong magiging problema. Yung sparring at iba pang gawain, antay lang ang mapagbibigyan din tayo dyan,” sambit ni Mitra.

-Edwin Rollon