Dingdong, senti mode sa pagtatapos ng DOTS taping

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGING sentimental ang Instagram post ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagtatapos ng lock-in taping days nila ng Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun last September 10 sa Tanay, Rizal.

dingdong

Caption ni Dingdong as Big Boss, “Today, we finished our taping for DOTSPH, and we’re set to bring back fresh episodes soon. A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance! Maraming salalamat. “Pass your papers” na kami. @gmanetwork.

Pinost din ni Dingdong ang boots na sinuot niya as Captain Lucas Manalo: “Been wearing these boots for almost a year now to give life to Capt. Lucas Manalo. Now, it is time to loosen these laces to make way for the next journey. Mission accomplished!”

November 2019 pa nagsimula ang taping ng DOTS PH pero nagsimula itong ipalabas noong February 10, 2020 at middle of March nahinto ang airing dahil sa paglaganap ng COVID-19 pandemic.

Very soon ay magsisimula ang recap nito at saka susundan ng fresh episodes.

Nora V. Calderon