Alden, host ng ‘Lockdown:Food Diaries’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

IPINAKILALA nang si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang host ng documentary na Lockdown: Food Diaries last Friday, September 11 sa 24 Oras, na docu program produced ng GMA Public Affairs. Matagal ding na-curious ang mga viewers at netizens kung sino nga ba ang host, pero marami nang humulang si Alden iyon kahit pa naka-face mask ito sa teaser ng show.

alden

Sabi nga ay swak na swak kay Alden ang nasabing dokyu dahil bukod sa pagiging artista, businessman din si Alden at may-ari ng ilang restaurants at food chain, inamin din niyang naapektuhan ang mga ito dahil sa pandemic na pinagdadaanan natin.

Sa naturang dokyu, tatalakayin kung papaano binago ng pandemya ang food industry at kung paano nga ba nag-adjust ang iba’t ibang sector upang harapin ang epekto ng COVID-19.

In demand nga si Alden hindi lamang sa paggawa ng TV shows kundi pati na rin sa mga socio-civic activities. Kamakailan ay hinirang si Alden bilang Anti-Covid-19 Awareness Campaign Ambassador ng Department of Health.

Sa Linggo, September 27, 3:45PM mapapnood ang “Lockdown: Food Diaries” sa GMA-7.

Nora V. Calderon