Dance Theatre Arts ballet team, finalists sa Int’l Dance tilt

Filed under Balita, Features, Sports Balita RSS RSS Feed

sayaw2

PINAHANGA ng mga miyembro ng Dance Theatre Arts, pinangangasiwaan ni choreographer at ballet guru Ms. Pamela Ortiz-Bondoc, ang international ballet community matapos mapili bilang finalist sa kabuuang 100 kalahok ang isinumite nilang videos sa Stars of Canaan Dance International Competition kamakailan. Kabilang sa mga finalist sina (PA1 ages 7 to 9 yrs old) Nica Jayne Delos Reyes (8 yrs old), Chloe ZiQian Chen (9yrs old) at Tifanny Jocelyn Ong  (9 yrs old); Pa2 (ages 10-12) Soluna Arcamo (10 yrs old), at Bianca Denise Magbatoc (10 yrs old); (Duo) Bianca Denise Magbatoc at Tiffany Jocelyn Ong;  Sophia Lucito at Herbie Amber Bobier. Hindi natinag at nagpatuloy ang  DANCE THEATRE ARTS,  pamosong performing arts school na matatagpuan sa 5th floor ng Waltermart Center sa Chino Roces Avenue , Makati, sa pagsasanay sa kabila  ng ipinapatupad na community quarantine sa pamamagitan ng zoom classes para sa solo coaching at group classes.