32 detainees sa Tuguegarao, nag-positive

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAGAYAN – Iniulat kahapon ng pamahalaang panlalawigan ang pagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng lahat ng nakakulong sa Tuguegarao City Police Station.

Ito ang kinumpirma ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa isinasagawang Management Committee Meeting (ManCom), kamakailan.

Ayon sa kanya, resulta ito ng pagsasailalim sa swab test sa lahat ng nakakulong na nasa himpilan ng pulisya sa nasabing lungsod.

Nauna rito,.

Nagpositibo na rin kamakailan ang 12 na pulis ng lungsod, kabilang ang kanilang hepe.

-Liezle Basa Iñigo