Robin, pinapurihan ang sakripisyo ni Mariel para sa mga anak

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Pinasalamatansi Robin Padilla ng mga babaeng kagaya ng asawa niyang si Mariel Rodriguez ay nadagdagan ang timbang mula nang manganak.

Ipinagtanggol kasi ni Robin ang misis sa body shamers na walang pakundangang tawaging “mataba” si Mariel.

Nag-post si Robin tungkol sa pagbabago ng katawan ni Mariel na may titulong “Bismillah: Ang paglalakbay ng isang ina at asawa ni Maria Erlinda.”

“Ang bawat yapak ng isang ina ay sakripisyo at pagmamahal sa kanyang Anak katulad din ng kanyang bawat talon ay puno ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kanyang asawa. Nakilala ko ang dalagang Mariel na mahal na mahal ang kanyang sarili, nakapaikot ang mundo sa kanyang kaseksihan, kagandahan, gamit at kabangohan.

“Ang lahat ng bagay ay patungkol sa kanya. May mga pumupuna sa kanyang kalusugan ngayon, ang iba ay nagiging labis pa ang mga hirit para ito’y makasakit.

“Ang asawa ko ay dumaraan sa napakatinding estado ng kanyang buhay. Kanyang iniwan ang pagmamahal sa sarili para sa pagmamahal sa kanyang mga anak. Wala naman sigurong babae ang nangarap o sinadyang sila ay lumusog lalong lalo na sa isang katulad ni Mariel.

Iba iba an gang reaction ng katawan ng mga babae sa pagkakaroon ng anak, may mga pinagpala na maraming gatas, meron din naman mga walang gatas. Si Mariel ay nasa kategorya ng wala talagang gatas. Lahat ng konsultasyon ginawa niya sa mga expert para natural na dumaloy ang gatas sa kanya ngunit lahat ay may kalungkutan.

“Hindi lumusog ang cooking inang si Mariel dahil nais lang niya magpakalunod sa pagkain. Ang tanging paraan lamang na magkaroon siya ng gatas na ipapa-breast feed kay Maria Gabriela ay kumain siya ng madalas at marami kasama na ang paglimas ng lactation cookies, pag inom ng mainit na chocolate, malunggay, at vitamins. Loaded to the max para may gatas sa bawat feeding session ni Maria Gabriela.

“Ang mga katulad ni Mariel na may pinagdadaanan para sa kabutihan ng kanyang anak ay dapat na sinusuportahan ng magagandang salita hindi yun kukutyain pa at gagawing katatawanan. Lahat tayo ay may ina at ang istorya ni Mariel araw araw gabi gabi ay kwento ng isang ina hindi ng isang artista o host. She is a fighter and a crusader an inspiration to all that is dreaming of having a child,” diin ni Robin.

-Nitz Miralles