Perfect ang stay-at-home party ng ‘AOS’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Mukhang gamay na ng cast ng All Out Sundays: The Stay Home Party ang new normal set up nila para sa programa na napapanood tuwing Linggo, 12:45PM sa GMA 7.

Sa kani-kanilang bahay kinukunan ang lahat at marami naman ang nanonood na.

Ngayong Linggo, Agosto 16, ay may special version ng ‘Four The Win’ sina Aicelle Santos, Golden Cañedo, Thea Astley at Julie Anne San Jose ang mga awiting tungkol sa ulan.

May pampainit naman ang ‘OGs’ nina Ken Chan, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Jak Roberto, at Rayver Cruz ang malamig na panahon sa kanilang awitin na Teka Lang.

Hugot story ang ibabahagi nin Rita Daniela at Ken na bibigyang kulay nina Lexi Gonzales at Kim de Leon. Magbibigay rin si Paolo Contis ng payo kung anong mainam na solusyon sa love problem ng letter sender.

Sina Martin del Rosario, Betong Sumaya at Buboy Villar ang ilang iconic scenes ni Carmina Villarroel sa ‘Ang Drama Mo.’

Makiki-jamming din sina Christian Bautista, Mark Bautista, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Cassy at Mavy Legaspi, Jeremiah Tiangco, Shayne Sava, Abdul Raman, Jamir Zabarte, atKapuso leading ladies na sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Sanya Lopez, at Andrea Torres.

-Reggee Bonoan