Gardo Versoza, TikTok king

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Nagpasalamatsi Gardo Versoza na for the first time ay nakapag-taping na siya kahit may COVID-19 pandemic, sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales, para sa bagong episode nila ngayong Saturday, August 15.

gardo

Gaganap si Gardo bilang isang dedicated husband and father pero nagawa pa siyang kaliwain ng asawa, played by Tina Paner, sa isang younger man, played by Anjo Damiles.

Sey ni Gardo, bago sa kanya ang role na na-stroke siya kaya ipinagpalit siya ng asawa. Bago rin kay Tina na gumanap siyang flirty na hindi naman siya ganoon in real life. Natakot naman si Anjo na sa husay ng dalawang kasama baka raw pag nagkamali siya ay makagalitan siya. Pero mali dahil sa kabila ng husay ng dalawa, inalalayan sila niya, at wish niya muli silang makatrabaho.

At pare-pareho silang nanibago sa taping dahil nga sa mga protocols na dapat tuparin sa taping. Kuwento nga ni Gardo sa programang 24 Oras, may isa raw siyang eksenang kalong niya ang anak na lalaki sa story, sinabihan siya na dapat may physical distancing.

Natawa na raw lamang siya, kaya raw kapag break sa taping, inaaya niya ang mga kasama na mag-TikTok sila.

Tinatawag ngang ‘king of TikTok ‘si Gardo dahil sa pagpu-post niya sa kanyang vlog na nagsasayaw siya ng TikTtok kasama ang wife niya. Kaya naman nag-enjoy sina Tina, Anjo at dalawa pang bagets na sina Micko Laurente at Miggs Cuaderno na kasama nila, sa pagsayaw ng TikTok with Gardo.

-NORA V. CALDERON