Carmina, ilalaglag ng kanyang mag-aama

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

This Saturday, ise-celebrate ni Carmina Villarroel ang kanyang 45th birthday sa show nila ng kanyang mga anak sa GMA-7 na Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition.

Sa August 17 pa ang talagang birthday ng aktres, pero ngayong araw ang kanyang surprise birthday treat na bigay ng asawang si Zoren Legaspi at kanilang kambal na sina Cassy at Mavy sa special quarantine episode ng kanilang show.

Ang two-part birthday special features an exclusive scoop inside the Legaspi home at ipapakita kung paano nila ise-celebrate ang birthday ni Carmina sa simple at masayang paraan.

Sina Cassy at Mavy ay maghahanda ng cookies at crepes at si Zoren naman ang in-charge sa surprises at party set up. Hindi mawawala ang laglagan at ilalaglag ng magkapatid ang kanilang ina sa pamamagitan nang paggaya sa mannerisms nito at tatawagin nilang “Carminarisms.”

Babatiin at pasasalamatan din si Carmina ng mga kaibigan at fans na kanyang natulungan at may mananalo pang cash prizes sa viewers.

Kaya ‘wag kalimutang panoorin ang Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition this Saturday, 10a.m. sa GMA-7.

-Nitz Miralles