Bea Alonzo, ‘hiyang-hiya’ kay Mayor Vico

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Natanong si Bea Alonzo sa pagsi-ship ng ilang tao sa kanila ni Pasig City Mayor Vico Sotto at inamin ng aktres na kung natutuwa siya sa reaction ng mga tao, nahihiya naman siya kay mayor.

bea at vico

“Alam mo, after hiyang-hiya ako talaga . Nakakainis pa si Janus. Yun ‘yung friend mo na nilalaglag ka. Alam mo ‘yun. Hiyang-hiya talaga ako sobra. Alam mo Ihave so much respect for him because first-hand nakita ko how his people respect him. And talaga sobrang organized sila du’n. They practice social distancing, may sistema talaga du’n. So mas tumaas ‘yung respeto sa kanya in fact,” pahayag ni Bea.

Bale ba, may common denominator sina Mayor Vico at Bea dahil ang mom ni Vico na si Coney Reyes ang gumanap

na ina nina Bea sa movie na lalong nagpakilig sa netizens. Ang ganda raw sana kung magiging sina Bea at Mayor Vico.

Nagkita sina Mayor Vico at Bea nang maghatid sina Bea at mga kasama sa IAM Hope Organization ng donations para sa pakikipaglaban ng siyudad sa COVID-19. Mula noon, marami na ang gusto na maging couple ang dalawa na incidentally, parehong single.

-NITZ MIRALLES