Vice Ganda at Coco, money-maker pa rin ng Kapamilya Network

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“WALANG nakarating sa akin na ganu’n (offer kina Vice Ganda at Coco Martin sa TV5),” ito ang sagot sa amin ni Direk Perci M. Intalan na ka-chat namin habang sinusulat namin ang balitang ito.

coco at vice

Ito pa rin kasi ang mainit na pinag-uusapan ngayon na totoong ini-offer sa TV5 ang serbisyo nina Vice Ganda at Coco Martin pero dahil malaki ang hinihinging talent fee ay tumanggi ang pamunuan ng Kapatid Network.

Bagama’t nasulat na ito ng ilang beses ay hindi totoong may offer o nag-apply ang kampo ni Coco sa TV5 dahil nga may existing show siya sa ABS-CBN bukod pa sa pagiging money maker nito.

Ito rin naman ang sinabi ni Perci na hindi sila nag-offer for delicadeza kasi nga may show.

Nabanggit din ni PMI na hindi sila nag-offer kay Vice kasi alam niyang may show sa ABS-CBN (It’s Showtime) at nagtayo pa ng sarili nitong digital network.

Kaya naman ipinagdiinan ni Vice sa kanyang social media account na hindi siya nag-apply sa TV5 at hindi rin totoo ang P3M ang hinihingi niya.

Sitsit naman sa amin ay baka walang alam si Vice dahil ang big boss daw ng Viva na si Mr. Vic del Rosario ang nakipag-usap sa TV5 managemrnt.

But since pumutok na ang isyung tinanggihan, sure kami na kung anuman ang kinalabasan ng meeting na ito ay hindi ito alam ni Vice.

Hmm, hindi kaya ginagamit ng TV5 sina Vice at Coco para pag-usapan ang nalalapit na launching para sa pagbabalik ng entertainment shows nila?

Samantala, klinaro ni Perci na hindi natuloy ang pagpapalit ng pangalan ng Kapatid network sa One TV, mananatili itong TV5 pa rin at higit sa lahat, consultant daw ang posisyon niya sa nasabing network at hindi head.

-REGGEE BONOAN