MVP, nakiisa sa pag-alalay sa Beirut

Filed under Balita, Basketball, Sports Balita RSS RSS Feed

NAGPAABOT ng kanyang simpatya si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus  Manny V. Pangilinan kay FIBA executive director for Asia  at CEO ng FIBA na si  Hagop Khajirian, gayundin sa naganap na dalawang malalaking pagsabog sa Beirut kamakailan.

Sa pamamagitan ng isang liham gamit ang electronic mail, ipinahayag ni Pangilinan ang kanyang simpatya at pakikiramay sa opisyal ng FIBA na buhat sa naturang bansa.

 “It was with great sadness when I learned about the most regretful explosion in the Port of Beirut.  I join the people of your city, and the people of Lebanon, in their hour of grief and suffering, and send to them our prayers and our thoughts,” pahayag ni Pangilinan sa kanyang liham.

Matibay din ang pag-asa ng pinuno ng  PLDT and Smart communication chairman  na si Pangilinan na mabilis makabawi ang Beirut sa nasabing trahedya.

Ayon sa naitalang ulat, kabilang sa mga nadamay sa pagsabog ang ilang Filipino Overseas workers.

Gayundin, napinsala pati na ang  FIBA Asia headquarters  at ilang mga tanggapan  ng  national sports sa naturang bansa.

Annie Abad