2 nagpositibo sa COVID-19, naharang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Naharang ng pulisya ang dalawang umano’y nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nakasakay sa isang barangay patrol vehicle papasok sa Bgy. San Vicente sa nasabing lungsod, mula sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na isinapubliko ng Tarlac City Police ang pagkakakilanlan ng dalawa na kinabibilangan ng isang 44-anyos na babae at 56 taong gulang na lalaki.

Ayon sa may hawak ng kaso na si Staff Sergeant Rolando Mendoza, Jr., positibo sa virus ang dalawa matapos suriin sa

Tarlac Provincial Hospital na nag-utos na pabalikin na lamang ang dalawa sa Quezon City.

-Leandro Alborote