Tripartite agreement para sa DS ng Olympic-bound athletes plantsado na

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

WALANG dahilan para hindi maibigay ng Olympic-bound Pinoy athletes ang lahat – pagsasanay, pag-aaral at panahon – para maihanda ang sarili sa Tokyo Games.

DIAZ

DIAZ

Kagyat na nagpasalamat ang ‘Elite Team’ ng Philippine Team na miyembro ng Philippine Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ipagkaloob ang Detailed Service (DS) sa kanila sa bagong kasunduan na nilagpaan ng AFP, Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Napaso na ang ‘tripartite agreement’ nitong Mayo at bunsod nang pangangailangan sa ‘frontline’ para sa paglaban sa coronavirus (COVID-19) pandemic pansamantalang nabinbin ang renewal nito.

Subalit, sa kahilingan ng POC at PSC para s apaghahanda na rin sa Tokyo Olympics, pinayagan ng AFP ang mga Olympics bound at mga atletang na sasabak sa Olympic qualifying na maipagpatuloy ang kanilang pagsasanay.

“Malaking bagay po para sa amin ang makapag-focus ng todo sa training kaya nagpapasalamat kami sa bagong Detailed Service (DS) ng AFP para sa amin,” pahayag ni World boxing champion Eumir Marcial, na nalatakda na ring sumabak sa professional boxing bago ang Tokyo O lymp i c s sa Hulyo sa susunod na taon.

Ikinalugod din ng kanyang k a p w a Phi l ippine A i r F o r c e member na si weighlifting champ i o n Hidilyn Diaz ang bagong kaganapan.

“Salamat po sa AFP, sa POC at sa PSC. Wala kaming mahihiling pa sa suportang ibinibigay nila sa amin. We try our best para masuklian naming ito. Hopefully next year makuha na talaga natin yung gold,” pahayan ng Rio Olympics silver medalist at kamakailan lamang ang nagwagi ng gold medal sa kauna-unahang online weightlifting championship.

Ayon sa datos ng PSC, hiniling nila sa AFP ang DS para sa 78 atleta at 52 coaches mula sa 19 sports, na kinabibilangan ng swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, wrestling, boxing, baseball, rowing, sailing, sepak takraw, softball, soft tennis, weightlifting, cycling, obstacle sports, Muaythai, judo, gayundin ang PHILSPADA athletes na nasa athletics, badminton, table tennis, at cycling.

Pormal na ipalalabas ang DS ngayong buwan matapos mapirmahan ang kasunduan sa pagitan nina AFP Special Service Unit chief Col. Rocky Binag, POC secretary general lawyer Ed Gastanes, at PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy.

-EDWIN ROLLON