Sharon, maglulunsad na rin ng digital network

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINASALAMATAN ni Sharon Cuneta ang fans nila ni Gabby Concepcion dahil naalala ang 39th Anniversary ng first movie nilang Dear Heart. Nag-post si Sharon ng photos nila ni Gabby, poster ng movie, ilang eksena sa movie at pati theme song ng movie ay pinost din, kaya tuwang-tuwa ang fans.

sharon

Sabi ni Sharon, “Aaaahh kaya pala naman napakabusy ng ShaGab nation… 39th Anniversary ng Dear Heart!!! Naku @concepciongabby- ano masasabi mo sa ating fans? Puede na ba sabihin na kung galit sila sa COVID-19… mas dapat silang magalit at this year pa nagka-virus? O baka naman chismis lang…LOL… Jusko di ko kinakaya ang bigote at balbas ni G!!! Sa buong buhay ko now ko lang siya nakitang ganyan! Maryosep. ‘Di bale pogi pa rin. Uy o para sa inyo yan mga S-G ha? Take good care and stay safe. Happy Anniversary to our “Dear Heart” & all our fans- and thank you Lord almost 4 decades nap o mahal pa rin ng mga tao ang tambalan namin. Dear Covid-19, buong mundo ginulo at pinaiyak mo na… pero baka mas sinusumpa ka ng fans namin ngayon sa galit nila! Ngek!”

Nabanggit ni Sharon ang balbas at bigote ni Gabby, pero hindi niya binisita ang IG ni Gabby, kaya lang niya nakita dahil tina-tag siya ng kanilang fans. Ang nakita niyang photo ay photo ng aktor na mahaba ang buhok, may bigote at balbas habang nasa vacation house niya sa Lobo, Batangas. Ibig sabihin, binisita ni Sharon ang Instagram ni Gabby, kaya nakita ang litrato nito.

May nag-call ng attention ni Sharon at sinabing mali ang na-tag niyang IG account

ni Gabby. Ang sagot ni Sharon, “Inayos ko na. Pero niblock pa rin namin ang isa’t isa kaya di ko pa rin sya ma tag. Okay lang sus!”

Samantala, pagkatapos ni Vice Ganda, si Sharon naman ang maglu-launch ng digital network na tatawagin niyang The Sharon Cuneta Network at sabi ni Sharon, “The start of something all-new!!! Coming your way very, very soon…#YouTube.”

Excited na ang fans ni Sharon na mapanood siya sa kanyang digital network at nangako ang fans na susuportahan ang kanyang The Sharon Cuneta Network.

-NITZ MIRALLES