Regine, nag-donate ng Hermes bag

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINOST ni Ogie Alcasid ang photo ng violet Hermes bag na donation ni Regine Velasquez sa fund-raising na ginagawa ni Ogie para makatulong sa OPM singers/musician na nawalan ng source of income dahil sa COVID-19.

regine

Ang sabi, almost half a million ang worth ng bag na donation ni Regine na ipapa-auction, kaya naman nagpasalamat si Ogie sa asawa. “Salamat mahal for contributing this one. This will help our opm singers and musicians! For inquiries pls call 63 917 815 8032.”

Nasa IG page rin ni Ogie ang donation naman niya na ang sabi, “Batch 2 of assorted toys from star wars and other action figures will be on sale to help our opm singers and musicians who have lost their gigs since march. For inquiries pls call +63 917 815 8032 all proceeds go to www.opm.org.ph for this fund raiser.”

Si Ogie ang president ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, kaya siya ang nangungunang kumilos para matulungan ang OPM singers na apektado ng

COVID-19.

Matatandaang sa isang hearing ng ABS-CBN sa Kongreso dumalo si Ogie representing OPM para iparating ang panawagan na sana mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil apektado ang OPM singers/musicians sa pagsasara ng network.

-Nitz Miralles