Netizens, nawindang sa presyo ng kitchenware collection ni Heart

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAPAG may napupuntahan kaming mansyon o malaking bahay, lagi naming biro sa may-ari, ‘am sure lawit dila ang kasambahay mo sa laki ng lilinisin.’

heart

Karaniwan na ‘yung naririnig naming katwiran ng mga kasambahay na kaya sila umaalis sa mga amo nila ay dahil masungit o sobrang higpit.

Pero sa parte ng aktres na si Heart Evangelista-Escudero ay iba ang kuwento, nakakatakot daw maging kasambahay hindi dahil sa malawak ang lilinisin at hindi maganda ang ugali niya kundi dahil sa mamahaling kitchenwares collection na abot sa milyones ang halaga.

Isang netizen ang nakapansin sa mga post na mamahaling gamit ng aktres at hindi napigil ang sariling hindi mag-comment.

“Nakakatakot maging kasambahay ni Heart Evangelista!”

Masayang ibinabahagi ni Heart sa kanyang followers ang mga mamahalin niyang plato, tasa, bowls at iba pang gamit sa kusina.

Mukhang curious ang FB user na si Nelson Adrian dahil talagang inalam niya ang mga presyo ng kinukulektang mamahaling gamit na ito.

Say ni Nelson, “ang Hermes Balcon du Guadalquivir vase na ipinakita ni Heart sa isa niyang IG post ay may price tag na £840 o mahigit P53,000.

At ang Hermes Mosaïque au 24 Gold dinnerware collection ay abot sa P6,000. Ang teapot ay P35,000 ang mga presyo.

Dagdag pa ni Nelson na ang Hermes’ Balcon Du Guadalquivir at Cheval d’Orient dinnerware collection ng aktres at fashion icon, “cost £285 or PHP21,648.00 for a single presentation plate or £260 or PHP18,447.00 for a cup-and-saucer pair.”

Kaya komento ng nakabasa sa sinabi ni Nelson, “Nakakatakot naman maging kasambahay ni ma’am heart baka makabasag ako ng pinggan at pagbayaran ko habang buhay.”

Hirit ng isa pang netizen, “Siguro kung ako ang house helper ni Heart, hindi ko gagalawin yang collection niya mahirap na baka mabasag ko pa at dyan lang maubos ang suweldo ko.”

“When eating paksiw using this plate, it will be 100% tastier,” sabi naman ng isa pang nakakita ng mga post ni Heart.

-Reggee Bonoan