Jayda at Darren, feel good ang first song collaboration

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA unang pagkakataon, nagsama sina Darren Espanto at Jayda Avanzado para umawit ng isang love song, ang Sana Tayo Na mula sa Star Music.

jayda at darren

Una nang nagpahiwatig ang dalawa ng kanilang kolaborasyon sa Twitter,

kung saan nag-tweet sila ng “Sana tayo na” at itinag ang acount ng isa’t isa.

Kanya-kanyang hula naman ang mga tao kung ano ang ibig sabihin ng post nila, dahilan para mag-trending ang “SANA TAYO NA” sa Twitter.

Isang feel-good love song ang Sana Tayo Na kung saan umaasa ang dalawang tao na balang araw ay makakapiling nila ang bawat isa. Hinihiling din sa kanta ang pagtutugma ng mga bituin para pagsamahin ang dalawang taong nagmamahalan sa hinaharap.

Orihinal na komposisyon ng ama ni Jayda na si Dingdong Avanzado ang kanta, na unang naging parte ng kanyang Coming of Age album. Ang revival ay ipinrodyus ni Jayda at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Huling nakipag-collaborate si Jayda sa The Voice Teens finalist na si Jeremy G noong 2019 para sa kantang Perfectly Imperfec na siya mismo ang nagsulat. Si Darren naman ay nagtanghal ng awitin niyang Sasagipin Kitansa katatapos lang na virtual celebration ng MYX Awards 2020.

-MERCY LEJARDE