Sandara, nag-Tagalog sa Korean show

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Naaliw kami nang mapanood ang clip ng skit ni Sandara Park sa South Korean show na Video Star na siya ang co-host. Sa nasabing skit, may acting challenge siya with a guest in the show at ang eksena, inaapi siya ng kanyang mother-in-law.

sandara

Sa umpisa, puro Korean ang palitan ng salita nina Sandara at Choi Soo-rin, kalaunan, bigla na lang nagsalita ng Tagalog si Sandara na ikinagulat ng ibang nasa show. Hindi nila naintindihan ang mga sinabi ni Sandara na tuluy-tuloy sa pagsasalita ng Tagalog.

Sabi ni Sandara, “Ano pong sinasabi ninyo? Hindi ko ho kayo maintindihan,” “Galing pa po ako sa Pilipinas,” at “Hindi ko alam.”

Matagal nanirahan sa Pilipinas si Sandara at dito niya sinimulan ang kanyang showbiz career nang ma-discover sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Nang bumalik sa South Korea, naging member siya ng sikat na girl group na 2NE1, na na-disband noong 2016.

-Nitz Miralles