Kris, inulan ng pagbati sa pagbabalik-telebisyon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Hayan, pinost na ni Kris Aquino ang teaser ng programa niyang Love Life with Kris Aquino sa kanyang Instagram account nitong Huwebes ng gabi na talagang humamig ng 364k likes at 4,156 na lahat positibong komento.

kris

Ang caption ni Kris sa video teaer, “THANKS to ALLOF YOU, I’m starting MY NEW BEGINNING!”

Binati kaagad si Kris ng mga Kapamilya artists na kahit matagal na siyang nawala sa ABS-CBN ay hindi siya iniwan at laging kinukumusta.

“Congrats ate, you deserve it!” sabi ni Kim Chiu na punumpuno ng heart emoji.

Ang sagot kaagad sa kanya, “Saan man ako mapunta- you’ll always be my PANGANAY.”

Sunod si Mariel Rodriguez-Padilla sa TV host-actress, “Congratulations ate Kris” na may sandamakmak na clapping emoji.

Ang Darna ng Pilipinas ay hindi rin nakalimot na si Angel Locsin, “Congratulations ate” na may tatlong emoji heart.

“Thanks Gel,” sagot naman sa kanya ni Kris.

Say naman ni Erik Santos, “Happy for you, ate.” Sagot ni Kris, “Thanks Erik.”

At ang paboritong head writer ni Kris sa ABS-CBN shows niyang si Darla Sauler ay hindi rin nakalimot, “So happy for you Krisy! WELCOME BACK.”

“Hindi complete, kasi wala ka,” mabilis na sabi rin ng Queen of All Media.

Siyempre, hindi rin nakalimot si Erich Gonzales, “Congratulations ate Kris.” “Thanks for always Face Timing with kuya (Joshua),” sagot naman sa kanya.

“Congratulations ate,” bati rin ni Anne Curtis Smith-Heussaff. “You have the absolute most adorable family,” sagot ni Kris.

“Thanks beautiful,” ang sabi ni Kris kay Iza Calzado na binati rin siya ng, “Congratulations ate Kris.”

Sabi naman ni @atty_Buko, “No river can return to its source, it always moves forward. You are like a river, a force of nature. What ever block is put on your path, you will always find your way. Congratulations! We are all excited and looking forward to your much awaited comeback!”

Simpleng “Love the new You,” komento ni KC Concepcion.

Ang isa paboritong author/novelist ni Kris na si Kevin Kwan na sumulat ng librong Crazy Rich Asiansnna ginawang pelikula kung saan may cameo role ang TV host-actress ay pawang pumapalakpak na emoji ang komento.

Say naman ni @chrisbuff09, “@kevinkwanbooks another role for her pls?”

Base sa teaser ng show ay naka-all black si Kris na nakasuot ng leather jacket habang papasok sa loob ng TV5 building at palinga-linga sa mga hallway hanggang sa makapasok siya studio.

Ang voice over ni Kris, “Maraming nagsabi na this day will never arrive, after hearing that so many times, even I started to believe it, yet, nandito na ako.

“(Sabay bukas lahat ng ilaw) I got to know the real me, hinarap ko ang aking mga pagkakamali, tinanggap ko na maraming beses din akong nagkulang, natutunan kong iwanan ang kahapon, pinili kong patawarin ang sarili for being human to see myself as the victim for allowing myself to almost give up.

“So, I wipe my tears, kinaya kong maghintay, nagpakatatag ako, naghanda ako, because this is not the end of my story. Thanks to all of you, I’m starting my New Beginning.”

Abangan ang Love Life with Kris sa Agosto 15, 5PM sa TV5.

-Reggee Bonoan