‘BUBBLE’ SA 3X3

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

KAHIT kinukunsidera nang professionals matapos na ideklarang propesyunal ang Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 kailangan pa ring dumaan sa regular draft ang mga manlalarong kabilang sa pool ng liga kung gusto nilang makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ang mga 3×3 players na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, Santi Santillan at Frankie Johnson na pawang hindi lumahok sa nakaraang taong PBA Draft ay maituturing ng mga professionals matapos tanggapin ng Games and Amusements Board (GAB) ang aplikasyon ng Chooks-To-Go 3×3 Pilipinas para maging professional.

Bukod dito, binigyan din sila ng go signal gaya ng PBA at football upang muling makapag-ensayo.

Kaugnay nito, inihayag naman ng liga ang kanilang plano na idaos ang kanilang second season sa Setyembre sa sarili nilang “bubble” sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Commissioner Eric Altamirano ang “bubble concept” ng kanilang liga ay kahalintulad ng sa NBA.

Samantala, sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na bukas ang pintuan ng liga para sa mga nasabing 3×3 players kung nais nilang lumaro sa PBA.

“But still, they have to go through the draft,” ayon pa kay Marcial.

“We respect the fact that the GAB granted them (Chooks 3×3) the status as a professional league.”

Para naman kay Altamirano, ang pagtanggap sa aplikasyon nila ng GAB ay makapagbibigay sa mga basketball players ng pagpipilian kung sakali bukod sa traditional 5-on-5 game.

“This will provide our players the opportunity to explore possibilities of a professional career in 3×3,” ani Altamirano

Kaagad na pinulong ni Altamirano ang team owners ng liga para talakayin ang program sa 2020 season matapos makuha ang sanctioned ng GAB, batay sa endoso ng International Basketball Federation.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina San Juan-Go for Gold team governor Chris Conwi; Sta. Lucia sports head Buddy Encarnado; Nueva Ecija’s team manager Jai Reyes and official Mike Baldos; Porac- Big Boss Cement’s Ryan Monteclaro; Zamboanga-Family’s Brand Sardines’ Tonette Roque; Mindoro’s Justin Tan and Teytey Teodoro; at Sulu’s Marvin Forniza.

“We had to be very thorough and detailed during the meeting with the team owners since we can’t leave no stone unturned especially with the pandemic still on-going,” sambit ni Altamirano.

-Marivic Awitan