Morant, sinorpresa ang ina

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Sinorpresa ng NBA Rookie of the Year na si Ja Morant ang kanyang ina ng isang bagong kotse kahit pa nga nasa Florida ito at naghahanda para sa muling pagbubukas ng NBA.

Isang kulay puting kotse na katulad ng modelo na Audi A8 ang siyang naging sorperesa ng Rookie ng Memphis Grizzlies sa kanyang ina na si Jamie.

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Morant ang video kung saan ay hindi makapaniwala ang kanyang ina sa natngganggap na sorpresa at nilagyan pa niya ito ng titulo na “My Queen”.

Si Morant, ay magdiriwang ng kanyang ika-21 kaarawan sa Agosto 10.

Kasalukuyang may hawak na kontrata si Morant na dalawang taon at nagkakahalaga ng tunataginting na $17.8 million.

Pinapangunahan ngayon ng 6-foot-3 playmaker ang kanyang koponan na Grizzlies upang makaakyat sa playoff para sa Western conference.