IOC, pabor sa pag-amyenda ng Constitution

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Naniniwala ang International Olympic Committee (IOC) Representative to the Philippines at bagong halal na IOC Board member na si Mikee Cojuangco-Jaworski na kailangan sundin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagsulong ng pag-amiyenda ng konstitusyon ng nasabing organisasyon.

Aniya, mismong ang IOC ang may nais na amyendahan ng mga NOC (National Olympic Committee) ang kani-kanilang konstitusyon.

“There are many developments in the Olympic movement and we want to keep up. The IOC wants the amendments to take effect before the different NOCs hold their elections. We at the IOC are regularly in touch,” pahayag ni Cojuangg-Jaworski.

Kamakailan ay nagkaroon ng pagtatalo sa panig ng mga miyembro ng Board ng POC, hinggil sa pagamiyenda ng konstitusyon nito kung saan kabilang ang edad ng tatakbong Presidente at Chairman.

Naging hati ang pananaw ng mga miyembro ng Board sa isyu ng age cap kung saan nais sana ng ilang miyembro na ipatatupad ito, na kinontra naman ng ilan nang magsagawa sila ng isang special meeting.

Ayon kay Cojuangco-Jaworski, kasama sa batas ng IOC, na magsagawa ng eleksyon ang mga National Olympic Committee (NOC) sa taon kung saan gaganapin ang Olimpiyada.

Bagama’t naantala ng isang taon pa ang Olympics sanhi ng pandemya, na nakatakdang gawin sa 2021, sinunod pa rin umano ng ibang bansa ang pagsasagawa ng eleksyon.

“That’s in our by-laws. In other countries, it’s only stated that they will have elections on the Olympic year so naturally that’s 2020. But Olympics was postponed. But there are countries where the Constitution says that whether or not the Olympics pushes through or not there will be elections and we are one of those countries. That is specified. Of course, the IOC expects that we adhere to our own constitution,” pahayag pa nito.

-Annie Abad