Miami Heat, pinalamig ni Clarkson

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

Mainit na pasimula ang agad na ipinamalas ng Fil-Am guard na si Jordan Clarkson upang balikatin ang panalo ng Utah Jazz kontra Miami Heat, 101-99 sa tune-up game ng NBA sa Florida.

Clarkson

Clarkson

Apat na three point shots ang ipinukol ni Clarkson kung saan nagbigay sa kanyang ng 17 puntos upang maiselyo ang panalo.

Nakatuwang niya si Rudy Gobert na nagpakita din ng soliding

performance kasama sina Mike Conley, Donovan Mitchell, Royce O’Neale at Emmanuel Mudiay.

Si Gobert na unang nag positibo sa Coronavirus ay nagtala ng kanyang 21 puntos buhat sa 8 for 9 niya , habang si Conley ay may naiambag din na 17 points.

Sa panig ng Heat na naglaro na hindi kasama sina Jimmy Butler at Bam Adebayo, ay tanging si Kelly Olynyk lamang ang naasahan na may 20 points, at si Tyler Herro na may 20 puntos

-Annie Abad