COVID-19 cases sa Ecija, 146 na

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

NUEVA ECIJA – Pumalo na sa 146 ang kumpirnadong nahawaan ng coronavirus disease sa lalawigan, ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ay matapos madagdagan ng 13 na bagong tinamaan ng sakit nitong Hulyo 21 mula sa iba’t ibang lugar sa nabanggit na probinsya.

Sa pahayag ng Department of Health (DOH) ng lalawigan, ang nasabing 13 kaso ay naitala nitong Linggo ng hapon mula sa barangay Tabon, San Isidro, Mayapyap Norte sa Cabanatuan City; Bgy. San Pablo, Jaen; Bgy. Pambuan sa Gapan City, at Bgy. San Bernandino sa Guimba.

Sa datos ng DOH, sa nabanggit na 146, nasa 65 na ang gumaling sa naturang nakamamatay na virus.

Light A. Nolasco