2 senior citizen, nirapido sa inuman

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABUYAO CITY, Laguna – Dalawang senior citizen na nag-iinuman ang napatay nang barilin ng tatlong lalaki sa NIA Road, Barangay Banay-Banay sa nasabing lungsod, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Alberto Barayang, 68, magsasaka, at Rodel Capacio, 60, pawang taga-nasabing lugar. Sa ulat, dead on the spot si Barayang at binawian naman ng buhay sa ospital si Capacio dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Binanggit ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa sa harapan ng bahay ni Capacio nang dumating ang tatlong hindi nakikilalang suspek, dakong 8:50 ng gabi.

Bigla na lamang umanong binaril ng mga ito ang dalawa at matapos ang insidente ay agad na tumakas ang tatlong suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

-Danny Estacio