‘Tulak’ na taga-Marawi, arestado

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Isang 34-anyos na babae mula sa Marawi City, Lanao Del Sur ang nalambat ng pulisya sa buy-bust operation sa C. Santos Street, Barangay Poblacion, Tarlac City, nitong Sabado ng hapon.

Sa report ni Police Corporal Jereco E. Ortiz, ang inaresto ay nakilalang si Nobalsah Alulong, may-asawa, at nanunuluyan sa Bgy. San Nicolas ng nasabing lungsod.

Nahuli sa kanya ang hindi pa matiyak na halaga ng illegal drugs at marked money nang isailalim ito sa buy-bust operation.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leandro Alborote