Aicelle, ikinuwento ang kanyang work-from-home set up

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PREGGY si international stage singer-actress Aicelle Santos, pero tuloy siya sa kanyang work-from-home para sa GMA Network, tulad nang every Sunday ay naka-online siya sa All-Out Sundays Stay at Home. Last Sunday, balik-TV na ang show at napanood din sila sa social media ng GMA Network.

aicelle

Sa bahay lamang nila ng husband na si Mark Zambrano siya nag-record ng kinanta niya, pero na-challenge si Aicelle dahil may ‘nakialam’ sa kanya habang nagsu-shoot na siya ng video. Nilapitan siya ng mga gamu-gamo habang kumakanta kaya kinailangang tulungan siya ni Mark na sa background ay nakitang nagpapatay ng mga insekto.

Caption ni Aicelle sa kanyang Instagram: “The unglamorous side of WorkFromHome. Watch ’till the end! Big thanks to my cameraman, lightman, wardrobe and insect control guy, @markzambrano. Salamat mahal ko.” #AllOutSundays #bloopers

Mapapanood ang nakakatawang behind-the-scenes video ng work-from-home setup ni Aicelle sa kanyang Instagram account.

Soon, ay magbabalik na rin ang Centerstage talent search for kids, na isa si Aicelle sa mga judges with Concert Queen Ms. Pops Fernandez and musical director Mel Villena, and host Alden Richards.

-NORA V. CALDERON