Gumaling sa COVID-19, posibleng may T-cells na panlaban sa virus

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Habang kinukuwestyon ng scientists kung ang presensiya o kawalan ng antibodies sa novel coronavirus ay talagang matutukoy ang immunity, sinisilip ng ilan ang ibang component ng immune system, na kilala T cells, para sa papel nito sa pagpoprotekta sa mga tao sa pandemya.

Ipinakita ng mga bagong pag-aaral na ang ilang recovered patients na nagpositibo sa coronavirus antibodies ay nagdebelop ng T cells bilang tugon sa kanilang COVID-19 infection. Kahit na maliit ang mga pag-aaral at kailangan pang repasuhin ng outside experts, ilang scientists ang nagsasabi ngayon na ang mga tao na nakaranas ng mild illness, o walang naging sintomas, mula sa novel coronavirus, ay maaaring pinapatay ang infection sa pamamagitan ng pagtugon na ito ng T cell.

Ang findings ay dumagdag sa ebidensiya na ang epektibong COVID-19 vaccine ay kailangang udyukan ang T cells na magtrabaho bukod sa pagpoprodukto ng antibodies, at maaaring may mga implikasyon para sa ilang dinedelop na treatments. Maaari rin silang magbigay-linaw kung paano maaaring gumana ang immunity sa bagong exposure sa infection .

“There is mounting evidence that people exposed to the virus have a transient (short-lived) antibody response, or have a T cell response in spite of a minor or absent antibody response,” sinabi ni Dr Alessandro Sette, professor at member ng La Jolla Institute’s Infectious Disease and Vaccine Center in California, sa Reuters.

Kapag nalusutan ng virus ang unang depensa ng katawan sa – na kinabibilangan infection-fighting white blood cells – susugod ang isang mas specific “adaptive” response, na magbubunsod ng produksiyon ng cells na tatarget sa invader. Ang mga ito ay kabibilangan ng antibodies na kayang tukuyin ang virus at ikulong ito, upang hindi makapasok sa cells ng tao, gayundin ng T cells na kayang patayin kapwa ang invaders at ang cells na kanilang hinawaan.

Anim na buwan simula ng global COVID-19 pandemic na humawa na sa mahigit 12 milyon katao, nananatili ang mga katanungan kung ang antibody response sa virus na ito ay malakas at tumatagal sa paglipas ng panahon. Mangangahulugan ito na ang T cells ay mayroong mas mahalagang papel sa pagbibigay ng proteksiyon laban sa sakit.

“T cells are often important in controlling viral infections. We are seeing evidence of that,” sinabi ni John Wherry, director ng University of Pennsylvania’s Institute for Immunology, sa Reuters.

Reuters