Skin Magical Dasma/ Carsigma chess tilt

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Pangungunahan ng Adamson University chess team sa gabay ni coach Christopher Rodriguez ang pagdaraos ng Skin Magical Dasma/Carsigma chess championship sa Hulyo 19dakong ala-una ng tanghali sa Lichess.Org.

Ang free registration, no break online chess tournament na suportado ni International Master (IM) Petronio Roca at ng kanyang asawang si Mam Elvira Roca ng Skin Magical Dasma/Carsigma Cavite branch ay bukas sa lahat ng chess players. Ito ay may time control 2 minutes plus 1 second increment na may game duration 140 minutes.

Nakalaan sa magkakampeon ang 1,000 habang ang second ay P500 at third ay P250. Ang fourth hanggang sixth ay tig P200, ang seventh hanggang tenth ay tig P150. Ang makakapasok sa top 20 ay may tig P100,P75 at P50, ayon sa pagkakasunod.

Makakatang din ang top kiddies at women na tig P100.

Sa pagpapatala ay hanapin sina coach Christopher Rodriguez at coach IM Petronio “Rony” Roca.