Rocco Nacino, naghatid ng ayuda sa Talim Island

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Isang Philippine Navy Reservist si Kapuso actor Rocco Nacino, kaya hindi siya nahirapang hum­ingi ng tulong sa kanila para makapagdala ng ayuda sa mahigit na 200 senior citizens sa Baran­gay Janosa, Talim Island. Ang lugar ay isang isla sa gitna ng karagatan sa Rizal province.

rocco

Kasama ni Rocco ang ilang Philippine Navy at ang girlfriend na si Melissa Gohing, sa pamimigay niya ng tulong sa pamamagi­tan ng “Help From The Heart” na fundraiser nila ni Melisssa.

Hindi naging madali ang pagbibiyahe nila sa Talim Island.

“Kailangan mong ibiyahe by boat, so pumunta muna kami sa isang port. Sasakay ka sa bangka, ganoon siya kalayo. Kaya ang pasasalamat namin sa Philippine Navy dahil hindi namin magagawa iyon kung wala sila. Nagpapasala­mat din kami sa mga nagbigay ng donasyon para sa aming fund raising.”

Tuwang-tuwa naman ang se­nior citizens na una nilang benefi­ciaries. Pagkatapos sa Talim Island ay tumuloy sina Rocco sa ilang lugar doon para bigyan naman ng tulong ang mga frontliners na naka-assign sa mga checkpoints na dinaanan nila.

Nakakabuti kay Rocco ang ginagawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan para hindi siya mainip sa pagbabalik nila ng tap­ing ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

-NORA CALDERON