Vicky Morales at Mike Enriquez, back-to-back

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Nagsimula nang mag-taping ang GMANetwork ng mga fresh episodes ng kanilang Public Affairs programs na ipalalabas ngayong month of July. At simula nga ngayong Sabado, dalawang bagong programa ang mapapanood na tiyak na ikatutuwa ng kanilang mga tagasubaybay.

vicky mike

Mauuna ang nagbabalik sa ere na minahal ng lahat, ang Wish Ko Lang. Masasabing napapanahon ang comeback ng programa dahil ilang buwan na rin nating nilalabanan ang COVID-19, at ito ang programang magbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga manonood, mula sa mga tunay na pangyayari ng bawat isa.

Muling mapapanood ang tinaguriang ‘fairy godmother’ na si Vicky Morales na nagga-grant ng mga wishes sa mga itinatampok nilang true-to-lifestories. Sa unang fresh episode ng programa, special guests ang mga Prima Donnas stars na sina Elijah Alejo at Chanel Latorre. Mapapakinggan na rin ang bagong theme song ng Wish Ko Lang themesong

na inawit nina Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Kasunod naman nito ang espesyal na pagtatanghal ng Imbestigador ni Mike Enriquez na “COVID-19: Special investigative Reports ni Mike Enriquez.” Para sa first part ng report ni Mike, tututukan niya ang public transportation na unti-unti nang binubuksan matapos ang mahigit na dalawang buwang lockdown.

Mapapanood ang Wish Ko Lang dakong 4:00PMat susundan ito ng Imbestigador.

-NORA V. CALDERON