Temporary shutdown ng MRTrt-3, simula na

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sinimulan na kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang limang araw na temporary shutdown nila kasunod ng pagdami ng bilang ng kanilang mga tauhan na nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19), na umabot na sa 186.

Batay sa inilabas na paabiso ng MRT-3 kamakalawa ng gabi, hindi na muna bibiyahe ang kanilang mga tren simula nitong Hulyo 7, Martes, hanggang sa Hulyo 11, Sabado.

Nilinaw ng MRT-3 na posibleng humaba pa ang naturang araw ng temporary shutdown o di kaya ay umigsi, depende sa isasagawang COVID-19 testing sa kanilang mga empleyado at kung magkakaroon na ng sapat na bilang ng mga personnel na negatibo sa virus para maipagpatuloy pa ang kanilang operasyon.

-Mary Ann Santiago