Suportado ng Santo Papa ang panawagang global ceasefire ng UN

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

INIHAYAG ni Pope Francis nitong Linggo ang kanyang pagsuporta sa isang UN Security Council resolution na nananawagan na ihinto muna ang mga sigalot upang mapagtuunan ng pansin ang laban sa pandemya ng coronavirus.

Nitong nakaraang Miyerkules sinang-ayunan ng UN Security Council ang resolusyon makalipas ang higit tatlong buwang negosasyon para sa panawagang “immediate cessation of hostilities in all situations”sa agenda ng Security Council.

“The request for a global and immediate ceasefire, which would allow that peace and security necessary to provide the needed humanitarian assistance is commendable,” pahayag ng Santo Papa matapos ang kanyang lingguhang Angelus prayer sa St Peter’s sa Rome.

“I hope that this decision will be implemented effectively and promptly for the good of the many people who are suffering.

“May this Security Council resolution become a courageous first step towards a peaceful future.”

Ang naturang resolusyon ang unang pahayag at unang aksiyon ng Security Council mula nang magsimula ang paglaganap ng virus.

Layon ng resolusyon na suportahan ang apela noong Marso ni UN Secretary-General Antonio Guterres para sa isang global ceasefire. Ito’y sa kabila ng pagharang ng China at United States, na kontra sa isang bahagi na pumapatungkol sa World Health Organization (WHO).

“[It] calls upon all parties to armed conflicts to engage immediately in a durable humanitarian pause for at least 90 consecutive days, in order to enable the safe, unhindered and sustained delivery of humanitarian assistance”.