P15-M tulong ng BARMM para sa COVID-19 lab

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

IBINAHAGI nitong Lunes ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mahigit P15 milyong tulong pinansyal sa mga opisyal ng Amai Pakpak Medical Center (APMC) sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ang tulong pinansiyal ay gagamitin upang mapalakas ang operasyon ng

APMC’s biomolecular laboratory bilang dagdag na coronavirus disease 2019 (Covid-19) testing center.

Bukod sa biomolecular laboratory nito, mayroon din ang APMC ng testing laboratory na akreditado ng Department of Health (DOH) bilang Covid-19 testing facility noong Hunyo 29.

Kasabay nito, lumagda rin sa isang memorandum of agreement (MOA) sina BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at Dr. Shalimar Sani-Rakiin, APMC chief, para sa pagtutulungan sa paglaban sa COVID-19.

“This signing of MOA is another manifestation of our shared commitment with APMC in fighting Covid-19. We are confident that our dear friends and counterparts from APMC can help us in this continuing battle,” ani Ebrahim.

Dagdag pa ni Ebrahim, tiwala sila na malaki ang maitutulong ng kanilang kontribusyon sa APMC upang mapalakas ang pagtugon sa COVID-19 sa Lanao del Sur.

“Not only did the APMC assured the accreditation of their Covid-19 testing laboratory but they are also finishing up a biomolecular laboratory that is as equally important to help out in conducting more tests daily,” paliwanag ni Ebrahim.

Samantala, inilarawan naman ni Sani-Rakiin ang BARMM financial aid bilang malaking tulong upang mapaunlad ng APMC ang kanilang biomolecular laboratory upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bahagi ng Lanao del Sur.

“Presently we have 99 new cases, brought by the ‘Hatid-Tulong’ program of the government. Initially, we only had nine cases before its implementation,” ani Sani-Rakiin.

Aniya nasa 39 porsiyento nang kumpleto ang infra-component para sa biomolecular laboratory at inaasahang magiging operational pagsapit ng Agosto 20 ngayong taon.

PNA