5 days special concern lockdown sa Malabon

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Limang araw na isasailalim sa special concern lockdown ang isang lugar sa Malabon City, upang pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga apektado ng COVID-19.

Sa ulat ng City Health Office , sinimulan kahapon ang lockdown sa kahabaan ng Sanciangco Street, Barangay Catmon ng nasabing lungsod at matatapos ito sa Hulyo 10, 2020.

Nagpasya ang Pamalaang Lungsod na i-under special concern lockdown ang naturang lugar dahil sa pagtaas ng bilang ng nag-positibo sa COVID-19.

Habang umiiral ang lockdown, magsasagawa ang City Health Office ng targeted testing at paiigtingin ang contact tracing.

—Orly L. Barcala