‘El Presidente’ sa ‘Usapang Sports’ ng TOPS ngayon

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

PASISINAYAHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner  Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang kauna-unahang pagtatanghal ng ‘Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) online forum sa pamamagitan ng Zoom.

Magbibigay ng mahahalagang detalye hingil sa kasalukuyang sitwasyon ng Philippine sports si Fernandez na itinalagang Officer-In-Charge sa PSC simula sa pagpasok ng buwan ng Hulyo bilang pansamantalang tagapangasiwa ng ahensiya matapos humingi ng bakasyon si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Makakasama rin sa talakayan na magsisimula ganap na 10:00 ng umaga ang Philippine Taekwondo Team, sa pangunguna ni grassroots development program chief at Olympian Stephen Fernandez.

Ang ‘Usapang Sports’ ng TOPS ay itinataguyod ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at PSC. Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat, higit ang mga miyembro na makiisa sa talakayan na pangungunahan bilang host ni sports broadcaster Ernest Leo Hernandez.  ANNIE ABAD