Fernandez, simula nang OIC sa PSC

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

WALA mang sports event na magaganap, patong-patong na dokumento para sa araw-araw na gawain sa Philippine Sports Commission (PSC) ang susuunngin ni Commissioner Ramon S. Fernandez bilang Officer-in-Charge (OIC) ng sports agency.

Huminge ng ilang linggong pahinga si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez nitong Hunyo 26 ta tatagal hanggang Hulyo 20 upang asikasuhin ang ilang personal na gawain.

“Heeding the call of duty, braving the risk 9f traveling these days. All these for the love of sorts and flag. Please pray for us and with us. We heal as one,” pahayag ni Fernandez sa kanyang Facebook page, habang papauwi ng Maynila mula Cebu City.

Mamamalagi si Fernandez sa Philsports headquarters bilang pagtalima sa ipinapatupad na 14-day quarantine period bunsod ng Covid-19 pandemic.

Batay sa naunang balita, magsisimula ngayon, sa Hulyo 1 si Fernandez bilang OIC ng PSC habang nakabakasyon si Ramirez.  Annie Abad