De Ocampo, balik PBA bilang asst. coach

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

MAKARAANG magretiro sa kasagsagan ng pandemya, magbabalik si Ranidel De Ocampo sa kanyang dating koponang TNT KaTropa bilang bahagi ng coaching staff.

Ayon kay TNT team manager Gabby Cui, babalik si De Ocampo sa TNT bilang assistant coach.

“Coach Ranidel brings us a wealth of championship experience and basketball knowledge that will definitely help our team reach our aspirations for another championship,” ani Cui.

Kamakailan lamang ay tinanggal ng TNT ang isa sa dati nilang assistant coach na si Tab Baldwin. Bilang manlalaro, nanalo siya ng 6 na titulo at dalawang Finals MVP award para sa TNT mula 2008 hanggang 2017.

Nagdesisyon siyang magretiro noon lamang nakaraang Abril pagkaraan ng 16 na taong paglalaro.     Marivic Awitan