Hatid paninda kay Didal

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

KABILANG na rin si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa mga atleta at celebrities na bumaling sa online business upang makatulong sa mga kababayan na natigil sa kanilang kabahayanan dulot ng COVID-19 pandemic.

Sinimulan ng 21-anyos na Cebuana pride ang online food delivery  business HungrySk8rs kung saan siya mismo ang naghahatid sa mga order ng kanyang mga customers.

Kahit naka-lockdown ngayon sa Cebu, naisisingit pa rin ni Didal ang magsanay sa loob ng bahay, ngunit mas naging kapaki-pakinabang naman ito nang maisipan niya na tulungan ang kanyang mga magulang sa negosyo nito.

Bago pa man maging bemedalled athlete ang SEA Games winner, expose na sapagtitinda ang kanyang pamilya.

Kahit sa online, humahataw din si Didal sa katatapos na Asian Skateboarding Championships 2020 Online Skate Lockdown 5 Online Competition nitong  Hunyo 19. ANNIE ABAD