Swipe, Match, and Win ng Shopee

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

MAGLARO at manalo sa Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta Sale.

Inilunsad ng Shopee,  nangungunang e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, ang in-app game na Shopee Candy, kasabay ng Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta Sale simula Hunyo 22 hanggang Hulyo 7.

candy2

Sa Shopee Candy, may tsansa na manalo ng Laptop at paborito ninyong Smartphone, cashback vouchers at makaipon ng Shopee coins.

“We are excited to introduce our latest in-app game, Shopee Candy, just in time for Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta. Shopee will continue to provide users with more rewarding games and entertaining offers as Filipinos continue to play, work, and shop from home,” pahayag ni Ruoshan Tao, Head of Marketing ng Shopee Philippines.

Ang Shopee Candy ay isang switch-and-match game na kaaya-aya at madaling laruin. Kailangan lang ng players na mag-switch and match ng candies para ma-achieve ang goal sa bawat level bago maubusan ng diskarte at galaw.

Ang players ay maaaring makaipon ng puntos at mag-redeem ng prizes pagkatapos ng laro. Puwede silang manalo ng Shopee coins, cashback vouchers at special prizes tulad ng Samsung Gear VR, A&S S200 Slim HD TV,  Xiaomi Mi A3, FUN SNAP iDol Drone FHD, Xiaomi Mi 9 SE, Nextbook Flexx 11 2-in-1 laptop at Huawei Nova 3.

Mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 7, magbibigay ang Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta ng hanggang 90% off na discount sa mga piling produkto, flash deals kada linggo, at promos na kasing baba ng ₱9. Maaari ring abangan ng mga mamimili ang exclusive offers mula sa leading brands tulad ng Globe, Pampers, Nestle, Unilever, Maybelline, Wyeth, at The SM Store.

I-download ang Shopee ng libre sa App Store or Google Play.