Pagbabalik ng sports, hirit sa IATF

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

HINILING ng pitong national sports associations (NSAs) ang pahintulot ng gobyerno upang makapaglaro na muli ang kanilang mga atleta.

flag

Nakatakdang hilingin ng mga opisyal ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na mabigyan sila ng one-month trial training period upang maibalik ang kani-kanilang mga events.

Bukod sa kanila, humihiling din ng permiso ang mga opsyales ng Philippine Football Federation (PFF), Karate Pilipinas (KP), Philippine Rugby Football Union (PRFU) at Gymnastics Association of the Philippines (GAP).

 

Kaugnay nito, mayroon na rin silang inihain na kaakibat na mga safety at monitoring guidelines upang panatilihing ligtas ang kanilang atleta at coaches sa coronavirus.

Ayon kay Patafa president Philip Ella Juico, magpapadala ng kanilang “request” sa IATF sa tulong ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).
“If everything goes well during that one-month period, we will request that the permit be extended for another month or so until regular competitions are held, say, by early September,’’ wika ni Juico.

Nagsimulan mag shut down ang Philippine sports nitong Marso 16 nang magdeklara ang pamahalaan ng mga community quarantine measures para pigilin ang pagkalat ng COVID-19.
“The main impetus behind the informal gathering is to draw attention to the fact that our athletes will be left behind in world rankings and to build on each NSAs successes in the 2019 [Southeast Asian] Games,’’ dagdag pa ni Juico.

Kabilang din sa mga nakipagpulong sina PFF president Mariano “Nonong’’ Araneta, GAP president Cynthia Carrion, KP president Ricky Lim, SBP executive director Renauld “Sonny” Barrios, PRFU secretary general Ada Milby at rugby official Jake Letts.

“We are about to squander the momentum we created. We will recommend that the PSC, in coordination with the POC, conduct a similar dialogue with a larger group of NSAs,’’ ayon pa kay Juico.

Sinabi din ni Juico na sya ring chairman ng Philippine Super Liga na inihalimbawa ni  Araneta ang Spanish at German leagues, mga bansang may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay pinayagan ng magdaos ng kompetisyon, habang ang Vietnam football league ay naglalaro na sa harap ng maraming manonood. MARIVIC AWITAN