Wrestling handa na sa ‘New Normal’ – Aguilar

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

OPTIMISTIKO si Wrestling Association of the Philippines (WAP) president  Alvin Aguilar na babalik na sa normal na takbo ang buhay ng Pinoy, gayundin ng sports matapos ang pakikibaka sa COVID-19.

agila

Naniniwala si Aguilar, founder din ng tanyag sa international at lokal na mixed martial arts fight championships na URCC, na tuluyang magagapi ang mapamuksang virus at maipagpapatuloy ang programa sa sports kabilang ang contact sports na wrestling.

“Manalig tayo sa Diyos  at makiisa sa pakikibaka sa pandemic. We must  fight the unseen enemy by following the regulations implemented by the government ,be health conscious, observe social distancing and staying at home during the quarantine  period as the best effective weapon  to prevent the outbreak,”pahayag ni Aguilar, kampeon din sa nilahukang World Jiujitsu Championship may ilang taon na ang nakalilipas.

Ngayong nasa modified na ang community quarantine, hinimok na ni Aguilar na maging handa ang kanyang mga wrestlers at martial artists na  maghanda na para sa parating na new normal ng buhay kabilang ang sports at sikaping laging nasa kondisyon  upang harapin ang bagong sistema sa larangan ng palakasan  lalo na sa kanilang hanay.

“Stay in top shape and physically fit. Magensayo kahit sa loob ng bahay o bakuran,” aniya.

Ang wresting tulad ng boxing, judo, taekwondo, karate,silat,muay,  jiujitsu, arnis, MMA at iba pang combat sports ay muli lamang matutunghayan sa ring o mat sa panahong  knocked out na ang COVID-19.

Ang larangan ng wrestling sa  bansa sa timon ni Aguilar ay kabilang sa mina ng ginto para sa Pilipinas partikular sa biennial meet na SEA Games.