Ramirez at Bambol sa PSA Forum

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

MAKALIPAS ang apat na buwan, muling magbabalik ang lingguhang forum ng  Philippine Sportswriters Association (PSA) sa  Hunyo 2.

ramirez

At kahit na naibaba na sa GCQ ang community quarantine sa Metro Manila ay hindi pa rin maaring magkaroon ng face to face forum bilang pag-iingat na makaiwas sa COVID-19, kung kaya naman sa pagkakataong ito ay isasagawa ang forum sa pamamagitan ng Zoom conferencing ganap na alas 10 ng umaga.

Magkakaroon ng dalawang bahagi ang nasabing forum kung saan sa unang bahagi ay si  Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang unang sasalang kasunod si  Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa ikalawang bahagi.

Tatalakayin sa kauna-unahang online PSA forum ang kasalukuyang sitwasyon at ang magiging kinabukasan ng  Philippine sports sa gitna ng kasalukuyang krisis sa buong mundo.

Sinabi ni PSA president Tito S. Talao  ng  Manila Bulletin  na ang nasabing forum ay mapapanood pa rin  ng  live sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation,  at kasabay na naka live audiostream din sa Radyo Pilipinas 2.

Ang nasabing sesyon ay ihahatid ng  San Miguel Corp., Amelie Hotel, Braska Restaurant, the Philippine Amusement at Gaming Corporation (PAGCOR), gayundin ng  Smart.  ANNIE ABAD